by Banton Municipal Police Station | Satuday, July 25, 2015
Isang taong maihahambing sa isang bulaklak,
Sapagkat ang puso ay sadyang mabusilak;
Kasing tamis at kasing ganda ng bukang liwayway sa umaga,
Ang mga ngiting sayo ay aming nakikita.
Wala kaming itulak kabigin,
Sa pagtatrabaho ay masinop pa rin;
Kapag kailangan mo ang tulong nya,
Nandyan siya para damayan ka.
Ang hina ng signal ng wi-fi kung minsan,
Huwag mag-alala, may "two five" naman
Kapag emergency ang report naipapasa,
Kahit lumaki bayarin sa "plan" nya, ok lang sa kanya.
Pag nagbabarangay ay sadya ring kay saya,
Dahil marami na naman tayong makikita;
Mga magagandang tanawin na ating nadaraanan,
Di pinalalampas, kaya camera man ay laging nandyan.
Wala talagang pagsidlan ng aming tuwa,
Kapag ikaw ay aming nakikita;
Sa pagpasok sa umaga, ngiti moy nakakahalina,
Nagpapagaan sa pakiramdam kahit may problema.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,
Kasabwat ang pabago-bagong panahon;
Masasayang araw na amin kang kasama,
Ay hindi namin akalaing maglalaon.
Masakit isipin na ang paglisan moy kay bilis,
Mahirap ding tangapin dahil mahal ka namin;
Ngunit kung ito ang kalooban ng mahabaging ama,
Nakasisiguro kaming saan ka man ngayon ay masaya ka.
Ikaw ay inspirasyon sa lahat ng mga anak
Dapat tularan ng katulad mong alagad ng batas;
Isang bayaning handang maglingkod saanman at kailanman
Kaya saludo kami sayo PO1 IMEE MANUNGAY MAGADA
HINDI KA MALILIMOT NG BANTON MPS AT NG MGA BANTOANON


