Firmalo, Ylagan file candidacy certificate for top Romblon posts

| |
Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakapaghain na rin ng kanilang mga certificate of candidacy (COC) para sa 2022 polls nitong October 5 ang pambato ng oposisyon sa pagka-Gobernador at bise-Gobernador ng lalawigan ng Romblon.

Si Dr. Eduardo Firmalo ng Liberal Party, dating gobernador ng lalawigan, ay naghain ng COC sa pagka-Gobernador kasama niya ang kanyang bise-Gobernador na si reelectionist Felix Ylagan ng Aksyon Demokratiko.

Related story: Mamamahayag na si Joey Venancio, tatakbo sa pagka-kongresista ng Romblon

Ayon sa Commission on Elections, sila ang unang naghain ng certificate of candidacy para sa mataas na posisyon ng lalawigan.