Advertorial — Getting to know: Felix 'Dong-Dong' Ylagan

SA EDAD NA 39, MAY KAKAYANAN NA KAYA S’YANG GAMPANAN ANG IKALAWANG PINAKAMATAAS NA POSISYON SA ATING LALAWIGAN

Noong October 15 ng nakaraang taon ay nag file ng certificate of candidacy ang grupo nina Lolong Firmalo at Bong Fabella, bilang Congressman at Governor at kasama ng dalawa ay ang kanilang batang kandidato sa pagka Vice Governor, ang kasalukuyang Board Member ng 2nd district at Majority Floor ng Sangguniang Panlalawigan Felix “Dong-Dong” Ylagan.

Sa edad na 39 s’ya ay nabibilang sa generation na tinatawag na “Xennials” kilala rin bilang 1st Millenials o mga pinanganak sa taong 1977-1983.

Ipinanganak noong taong 1979. Si Dong-Dong Ylagan ay apo ng dating isa sa pinakamalaking negosyante sa Odiongan, Felix Barredo Ylagan Sr. Siya rin ay apo sa pinsan ng kanyang lolo sa nanay na si dating Governor Patriotismo Fondevilla ng San Andres. Ang kanyang mga magulang ay si dating Gobernador at Congressman Totoy Ylagan ng Odiongan at Divina Fondevilla ng Looc na apo ng dating Looc Mayor Crispin Grimares.

Ayon sa kanyang Facebook profile s’ya ay nag tapos ng kursong Political Science sa University of Santo Tomas. Naging kawani ng anim na taon sa House of Representatives sa opisina ni B/Gen Bayani Fabic, Office of Sgt. At Arms.

Sa edad na 28 s’ya rin noon ang pinakabatang konsehal sa bayan ng Odiongan, at naging PCL Federation President ng panahong din na ‘yon. Taong 2010, 2013, at 2016 s’ya ay nanatiling number one at pinakabatang halal na Sangguniang Panlalawigansa sa mga nasabing taon sa tulong at suporta ng mamamayan.

Ayon sa maikling panayam bago mag file inamin ni SP Ylagan na handa na sana s’yang mag retiro at tumulong sa negosyo ng pamilya, at ipagpapatuloy na lamang ang kanyang mga pet projects gaya ng feeding program, tree planting, coastal clean-up sa personal na kapisadad bilang pribadong mamayan.

Dagdag pa n’ya, “meron naman na rin sana akong maiiwang konting kontribusyon sa probinsya gaya ng Romblon Anti Drug Abuse Council, Romblon Environmental Code, Romblon Investment and Incentives Code, Discount on early payment of Real Properties, Anti-Red Tape o Romblon Citizens Charter at pagiging isa sa pangunahing sponsor sa Sulong Health Card at Public Employment Service ng Romblon.”

Dahil sa pagkaka buwag ng kowalisyon sa Romblon marami sa kanyang mga supporters ang nagsasabing kailangan ay sumama pa rin sya sa grupong magbibigay ng alternatibong kandidato para sa Romblon.

“Sa pagiging Vice Governor sa suporta ng ating mga kababayan dala ko ang karanasan at pag asang may maitutulong ang bagong henerasyon sa ating lalawigan. Nais ko rin maging tulay sa Gobernador at Sangguniang Panlalawigan sa pagbibigay ng tamang prioridad sa ating mga kababayan," pahayag ni Ylagan. ADVT