BDO Network Bank opens first branch in Romblon province

| |
Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Bukas na sa publiko simula ngayong araw, November 21, ang kauna-unahang branch sa probinsya ng Romblon ng BDO Network Bank na matatagpuan sa bayan ng Odiongan.

Ang BDO Network Bank na pagmamay-ari ng Banco de Oro, ang pinakamalaking Rural Bank sa buong Pilipinas na nagmula sa Davao City, Mindanao.

Pinangunahan ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic, at Vice Mayor Diven Dimaala kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang ribbon cutting na ginanap ngayong araw.

Ayon sa manager ng BDO Network Bank - Odiongan Branch na si Stephen Amar, ang pagkakaroon ng branch ng kanilang bangko sa Odiongan ay isang senyales ng pag-unlad ng isang bayan.

Sa ngayon, ang BDO Network Bank ay nago-offer ng high-interest earning savings account, time deposit pdocuts, young-savers account, BDO Kabayan, checking account, MSME products katulad ng pangkabuhayan loan, credit card, auto loan, housing loan, at iba pa.

Bukas ang BDO Network Bank - Odiongan Branch tuwing alas-8:30 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.