Smart fires up 5G network in Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Mas mabilis na ngayong makakapag-search sa internet ang mga residente ng bayan ng Odiongan sa Romblon matapos opisyal na paandarin ng Smart Communications, Inc. (Smart) ang kanilang kauna-unahang 5G signal sa probinsya.

Inanunsyo ang development na ito ng Odiongan Public Information Office sa kanilang Facebook page nitong Sabado.

"After the successful test run that started in the third week of June 2021, Smart Communications, Inc. successfully finalized and fired up the first 5G cell site in the province of Romblon in Odiongan," ayon sa Odiongan PIO.

Sa 5G network, maaring makapag-download ang isang user ng aabot sa 500Mbps at upload naman na mahigit 20Mbpps.

Para makuha ang 5G signal kailangan ng user ng isang 5G-capable phone at 5G-ready sim.