Mala-tuhod na baha, gumising sa ilang residente ng San Fernando ngayong umaga

Written by Joseph Gutierrez | Romblon News

by Joseph Gutierrez, RomblonNews | Wednesday, 23 September 2015 (2nd Update)

Humupa na ang mala-tuhod na baha na tumama sa dalawang barangay sa San Fernando, Romblon kaninang madaling araw dahil sa tuloy-tuloy na ulan simula pa kagabi.

Ayon sa Facebook Post ng Babaya Sibuyanon, ang nasabing barangay ay ang Barangay Poblacion at Azagra.

Ayon naman kay Barangay Captain Bobby Relox ng Barangay Poblacion, tumaas ang baha kaninang madaling araw ngunit agad namang humupa ng humina ang ulan.

Ilang mga may-ari ng tindahan sa palengke ang maaga nagising upang mag linis sa kanilang mga pwesto matapos maabot ng tubig baha.

Sa kasalukuyan, mataas parin ang tubig baha sa Cantingas River.

Sa hiwalay na report ni Dash Andres, Romblon News Correspondent, nakaranas rin ng blackout ang buong Isla dahil parin sa malakas na pag-uulan sa lugar.