by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 10 August 2015

Masamang panahon ang halos buong araw na naranasan sa lalawigan ng Romblon, kahapon, August 09.
Sa bayan ng Odiongan, Romblon; halos mag zero visibility na ang mga kalye dahil sa malakas na naranasan na ulan pasado alas-3 ng hapon.
Ilang mangingisda naman ang pinilit paring pumalaot sa kabila ng malakas ng ulan.
Sa bayan naman ng Ferrol, Romblon; halos umapaw na ang mga palayan dahil sa tuloy tuloy na pag-uulan sa lugar.
Ayon kay Bebito Gado, Romblon News Correspondent, naging masaya ang mga magsasaka na hindi pa nagtatanim dahil sa wakas makakasimula na sila magtanim ng palay. Ilang buwan ring tuyo ang mga palayan sa Ferrol dahil sa mainit na pahaon.
Sa Looc, Romblon; malakas na ulan rin ang sumalubong sa mga contestants ng Science Festival 2015.
Sa report ni Romblon News Correspondent Jocelle Galicha, ilang estudyante ng iba't ibang school ang pahirapan sa paglipat ng kanilang mga dalang gamit dahil sa masamang panahon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, isolated thunderstom ang naranasan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas kahapon. Sa taya ng Romblon News Weather, halos tatlong beses naglabas ng Weather Advisory ang PAGASA kaugnay sa mga ulang nararansan sa Romblon.



